Add parallel Print Page Options

Sinasabi ko ba ang mga bagay na ito bilang isang tao? Hindi ba sinasabi rin ito ng kautusan? Ito ay sapagkat isinulat ni Moises sa kautusan:

Huwag mong bubusalan ang baka na ginagamit sa paggigiik ng mais.

Ang baka ba ang pinagmamalasakitan ng Diyos?

10 Hindi ba ito ay sinabi niya nang dahil sa atin? Dahil sa atin ito ay isinulat: Ang nag-aararo ay dapat mag-araro sa pag-asa, at ang naggigiik ng mais sa pag-asa ay dapat maging kabahagi ng kaniyang pag-asa.

Read full chapter